Note: For a change, I’ll write this post in Filipino (with just a hint of English)
Naging guro ko siya sa Accounting noong nasa Pinas pa ako. Mahirap siyang makalimutan. Mahilig siyang gumamit ng ‘Yudi pungal’. Minsan naalala ko na may tinanong ito sa klase. Agad namang humirit si Morgan, ang elder statesman ng kurso. Medyo long playing si brod, panay ang ‘Kung baga…Kung baga’.
‘Nakuha Ko ba, Sir?’
‘PWEDE man,’ sagot ni Manong, sabay tawa.
Ako? Isang linya’t natumpak ko ang kanyang tanong.
‘Bat di ka kumuha ng Accounting?’ Nagtaka ang katabi ko. Maliit lang yung klase namin, mga isang dosena lang.
Hilig-hilig lang yan, sa isip ko. Di lahat ng may kakayahan ay nangangarap maging enhinyero o CPA.
Accounting po
Nabalitaan ko na nag-absent yung isa sa mga kaklase ko, na-miss niya yung finals. Narinig ko rin na nagkaproblema siya kay sir. Kinausap niya na bigyan siya nang konsiderasyon.
‘Accounting ini, ne’; napangiti na lang ako sa kanyang kwento..
‘Pogi,’ sabi ni William. Ganun siya kung tumawag. Minsan nga mali-mali pa.
‘Mr Pangarap’, tinawag niya si Dante.
Diretsyohin niyo na lang
Isang araw binayaan niya kami sa silid-aralan. ‘Dito Lang kayo, babalik Lang ako maya-maya.’
Pag-alis ni Sir William, nagsilabasan na ang mga tao’t tumambay dun sa unaunahan.
Nagpahangin naman kami ni Dante sa labas mismo ng silid aralan. Nakaihi ako at nag-jingle. Pagbalik ko, ala na si Dante; nakisabay siya dun sa iba. Aaminin ko na nagkamali ako; dapat nagpaalam ako sa kanya.
Galit na galit si Sir nung nasilayan niyang bakante ang kwarto. ‘Bakit di ninyo dineretsyo?’
Halata na ako, na dapat mas nakakaalam, ang na target ng kanyang pagkabigo. Pinalipat niya ako ng upuan, bago palipatin uli. Sinabihan niya kami na pumunta sa kwarto ng mga Accounting major, upang malaman kung ano ang pagkakaiba ng thesis at feasibility study. Di pa nabasa yung mga paa namin nang magpatama ang Accounting dean. ‘Itong talk ay para lamang sa mga Accounting students’, sabay tingin sa akin. Nagkataon lang Kasi na di Accounting ang kurso namin. Natira kami ni Dante at nakinig sa mga speaker. Nang mag-recess, nagdesisyon kaming lumabas ng kwarto. Dun ko nalaman na wala na yung mga kaklase ko. Marahil ay nag mass exodus sila nang magpatama si dean.
‘Isa pang chicken joy’
Isang beses tinanong ni William: ‘Nagpapart-taym ka sa Jollibee, di ba?’
‘Opo, Sir,’ sagot ni Chabelita.
‘Magkano na ba ang isang chickenjoy meal?’
‘69 pesos po, Sir.’
Biglang natawa si Sir. ‘Bakit ganyan ang figure nyo?’
Salamat, Will
Pustiso ang ngipin ni Will. Minsan napasobra ang tawa niya’t nahulog ang dentures nito. Buti nga’t nasalo niya bago lumanding sa sahig.
Isa si Will sa mga paborito kong guro. Okay siya magturo at mahilig magpatawa. Lumisan na ang mga araw na nakikita ko siya sa mga corridor. Babatiin ko ito, bago niya ako tatapikin sa balikat. Kahit maikling oras ko lang siya nakasabay, malugod akong nagpapasalamat sa mga ‘bato sa parang’ lol