Mag-iisang taon na nang huli akong nag-post sa Pilipino. Bihira ako magsulat sa Tagalog, kaya parating na ang nosebleed lol. Samantala, may ibabahagi akong sitwasyon na naganap kahapon. Pumunta ako sa silid aralan upang kunin yung pina-hold kong libro. Ikatlong sunod na itong nobela ni Connelly na babasahin ko. Natapos ko pa lang yung huling nahiram ko. Alam ko na ang proseso. Kinuha ko yung libro sa istante, ginamit ko yung barcode ko at hiniram yung kay Connelly. Inaayos ko na yung gamit ko nang lumapit ang isang babeng senior sa akin. Tinangka niyang kausapin ako sa Instik, pero sinagot ko siya na limitado ako sa Instik.
Mabuting Samarito
Pinakita niya yung papel Kung saan nakasulat yung ngalan niya at naintindihan ko. Hinanap ko yung libro na may ngalan niya at binigay sa Kanya. Nang makita ko yung reaksyon niya, kinuha ko yung kard niya’t inulit ang preseso. Nang makuha niya ang libro at resibo, nagpasalamat siya. Masaya rin ako, di lang dahil nakatulong, pero dahil may malalagay me rito. Na-miss ko yung tren ko at naghintay ng kinse minutos sa sunod na serbisyo. Pero sulit naman yung maikling oras na binagay ko para makatulong sa iba.
Instik
Nagsimula akong mag-aral ng Instik kasabay ng Filipino. Madali kong nakuha ang Tagalog; wala pang isang taon ako sa Pinas at nakikipag-usap na ako ng diretso sa mga kaklase ko. Iba ang Instik; kailangan ng effort, kailagan tutukan mo. Sa akin lang, maherap ang Instik. Hindi mahirap dahil nakakabigo; mahirap dahil hindi ko mabigay ang atensyon ko. Isa pa, Hindi nag-uusap ng Instik ang mga kaklase ko kahit nasa Chinese school pa ako. Hindi rin kami Chinese speaking sa bahay, kaya kahit noon, kaunti lang ang chansa kong gamitin ang Chinese. Alam ko na hindi pwedeng maliitan ang wika nila. Maraming nilalang ang marunong mag Instik, yung iba kakilala o kamag anak ko pa. Nangunguna pa ang ekonomiya nila, at lumalaki na ang bilang sa ibayong dagat.
Importansya
Makikita niyo ang improtansya ng Instik sa simpleng sitwasyong kahapon. Hindi lahat ng sitwasyon ay pwedeng mapuna purely sa body language lang tulad ng naganap. Maraming bagay ang Di mauunawaan kung walang Instik, pero makakabasa pa rin ako kay Connelly, makakasulat dito, at makakapag-usap sa iba. Kung pipiliin ko Kung maging mahusay sa Ingles, o sa Instik, alam niyo na ang sagot ko dyan. Pipiliin ko ang matagumpay na Ingles kesa maging average sa 2.
May ibang wika para sa akin. Tingin ko, mas madali ang Espanol para Kay Topher (kompara sa Instik). Nagpapasalamat lang ako sa 2 wikang alam ko: Ingles at Pilipino. Dahil marunong akong magsalita ng Pilipino, that’s another 100 million people, and a sizeable overseas community around the globe.
Topher sa gitna
Speaking of Filipino, naalala ko yung araw na nasa gitna aka ng Sino at Pinoy. Nangyari ito sa uni, matagal na. Maglalaro ako ng basketbol ng biglang nagsabi yang isang Instik na Noypi daw siya. Nung tinanong ng kasama kung bakit Pinoy ang sinabi niya, ‘Kasi maitim ako.’ Alam kong biro lang ito, pero kahit sa abroad di yan maiiwasan. Matapos kong magmintis ng 2 beses, sinabihan ako na mag-rebound na lang. 3-on-3 kami. Lamang yung kalaban 4-2 ng tumama aka ng dalawang sunod. Panalo na sana kami (hanggang 5), pero hindi bumaba yung 2 layup ko. Hindi alam ni brod na Pinoy ako, pero gaya nang nauna, nakatulong tayo. Kahit ang Shohoku ay may araw din. Wag mong husgahan ang kulay ng kakilala mo dahil sabi nga nila ‘Blessed are the poor in spirit, for theirs is the kingdom of heaven.’
Count your blessings. Keep at it. Topher.
Done palikeback po