Buwan ng Wika

IMG_3461

 

Agosto. Para sa mga mag-aaral sa Pinas, nagaganap na ngayon an Buwan ng Wika. Kahit matagal din akong nakisali doon, hindi ko ito napusoan. Nainis ako sa walang tigil na praktis para maging numero uno sa pasiklaban. Hindi sapat ang maging first section, kailangan durugin ang kalaban. Dapat laging nakasabay ang mga ngalan ng kaklase ko. ‘Lagi na lang, lagi na lang’. 

 

Volume!

Kailangan VOLUME ang boses mo para sa mga engot. Kahit sumisigaw ka na, ‘Hindi kita marinig’. Talo pa nito ang ROTC. At least doon alam mo anong oras matatapos. Ito, di mo mahulaan Kung kailan makokontento ang mga buwaya. It’s like Allen Iverson, crossing over Ty in the NBA Finals. Ty was so clueless. Ganyan ang pakiramdam pag nasa croc pit ka. Kahit pa naghahanga ako sa determinasyon ng mga kaklase ko, di ko matanggal sa isip ko ang overkill. 

 

 

Shades

‘Bilanggo, bilanggo’. Naalala ko tuloy. Pagdating sa paligsahan, alam Mong May ibubuga ang iba. Alam mo na maraming Oras ang ginugol upang tumayo sa entablado. Malakas ang palakpakan, bilib na bilib ang mga guro. ‘Dapat iwasan ang sing song!’ Naalala ko isang beses gumanap ako bilang isa sa mga kontrabida. May dala akong armas pero natutok ko tuloy sa kapwa kong kalaban. Hindi dumating yung siga. Naka shades pa nang tumayo sa May labas. Nabanggit ko yun sa kaibigan ko, si Francois. Sabi niya May black eye daw yun, kaya tinakpan ang mata. Bakit? Binugbog sarado ko. Eh bat di siya gumanti? Ang bilis daw ng suntok niya di nakita nung maton.

 

Kutsero at pochero 

Noong nasa HS na ako, bihira na lang ako sumulat sa Pilipino. Di Gaya ng elementarya Kung Saan nasanay akong gumawa ng mga tula. Pero andito na ako. Taon2x panibagong gawain ang aming tinatalakay sa Klase. 1st year Ibong Adarna. 2nd year Florante at Laura. 3rd year Noli. 4th year, El Fili. Isang beses nag-ulat  ang kaklase ko tungkol sa kutsero, isang kapitulo ng El Fili. ‘Anong nangyari sa pochero?’ Natawa ang katabi ko, si Annie. KUTSERO, Hindi pochero! Anak ng pating, nabistado ako. 

 

 

Ibang liga 

Ibang klase ang guro namin. Nagging guro ko siya 1st at 4th yr. Mahilig siyang maglarawan sa blackboard, kahit hindi gaanong kagandahan ang mga imahen niya. Biglang liko, sabi niya, sabay guhit sa B.B. Ang mga theme songs sa mass demo dati ay yung sa Edsa. Kadalasan pare pareho ang mga Kanta. Minsan may nakahanda ng skit mula sa aklat, pero May pagkakataon na orihinal na komposisyon ang aming ginagamit. Minsan dubbed, minsan sumisigaw kami sa stage. 

 

Huling hirit

Parating inuulit ang mga salita ni Gat Jose Rizal. ‘Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay higit ang Amoy sa mabahong isda.’ Nagging Bahagi na ang kataga sa buwan. Matagal na nang huli akong sumigaw nung buwan ng wika.  Hindi ko mamimiss yung mga praktis. Ang karanasan ko sa nasabing buwan ay May Halong saya at inis. Marahil ay nagtataka ang iba Kung ano ang saysay ng buwan ng wika. Bakit kailangan magsiaway ang mga mag aaral upang makamit lang ang unang premyo. Simple lang ang sagot: Kung seryoso ka bilang Filipino, makakalimutan mo ang lahat ng consomisyon at oras. Hindi araw2x dumarating ang chansang masigaw ang katapatan mo sa buhay-Pinas.

 

IMG_3460

This entry was posted in Literary. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s